Paano palitan o i-reset ang password mo

Pag-reset ng password mo

Puwede mong i-reset ang password mo sa pamamagitan ng pagpapadala ng reset link sa email o at text message. (Makakapagpadala lang kami ng mga text message kung naglagay ka ng mobile phone number sa Netflix account mo.) Kung hindi mo magamit ang email o phone number mo, posibleng magamit mo ang impormasyon ng credit card mo.

Tandaan: Kung mag-sign ka sa Netflix gamit ang email na idinagdag mo sa profile mo, wala kang password at hindi ka makakapag-reset gamit ang isa sa steps na ito. Pumunta sa Hindi makapag-sign in sa Netflix, o humingi ng tulong mula sa may-ari ng account kung nagkakaproblema ka sa pag-sign in.

Pagpapalit ng password mo

Smartphone screen displaying Netflix security settings with the 'Password' option highlighted.

Kung alam mo ang password mo at kaya mong mag-sign in sa Netflix pero gusto mo itong palitan, pumunta sa page na Palitan ang password.

Kapag pumipili ng password, ito ay dapat na:

  • Iba sa ginagamit mo sa kahit anong iba pang website o app

  • Hindi bababa sa 8 characters ang haba

  • Kumbinasyon ng malalaki at maliliit na titik, numero, at simbolo

  • Hindi madaling mahulaan - gaya ng “password,” “12345678,” o gumagamit ng kahit anong personal information (pangalan, birthday, address)

Gamit ang password manager, puwedeng dumali ang pagsubaybay sa mga unique na password.

Mga Kaugnay na Article